1. Paano mag-apply ng SSS/GSIS Pension Loans at ng Seaman/Seaman-Allottee’s Loan?
  2. Maaari po kayong mag-apply on-line thru Macondray Finance Corporation website o FB Page. Pwede ring tumawag o pumunta sa aming branch office na pinakamalapit sa inyo. Para po sa mga detalye ng aming branches, please click here.
  3. Saan matatagpuan ang inyong opisina o branches?
  4. Ang opisina ng Macondray ay matatagpuan sa Makati City, Cagayan de Oro City, Iligan City, Manolo Fortich, Butuan City, General Santos City, Koronadal City, Polomolok, Tacurong City, Digos City, at Davao City. Para po sa mga detalye ng aming branches, please click here.
  5. Mayroon ba kayong ibang loans o iba pang products o services?
  6. Meron po kaming SSS/GSIS Pension, Seaman/Seaman-Allottee at Small Business Loans na ino-offer.
  7. Ano ang mga requirements sa SSS/GSIS Pension Loans?
  8. Madali lang ang aming mga requirements, 1 co-borrower (preferably kamag-anak) at 2 valid IDs ng borrower at ng kaniyang co-borrower.
  9. Ano ang mga requirements sa Seaman/Seaman Allottee's Loan?
  10. Madali lang ang aming mga requirements, para sa Borrower ay POEA Contract, Allotment Slip, Seaman's Book at Latest proof of billing at sa Co-Borrower ay One(1) valid ID at Latest proof of billing (if not living w/ seaman).
  11. Magkano ang inyong interest rate?
  12. Ang aming interest rate para sa new loan (first time na mag loan at walang SSS/GSIS Pension Loan sa iba) ay 2.90%/month at 1.99%/month naman para sa buy-out loan (may SSS/GSIS Pension Loan outstanding balance o utang pa sa iba). Para naman po sa aming Seaman/Seaman-Allottee’s Loan ang pinakamababa pong interest rate namin ay nasa 1.99% (Promo) per month.
  13. Magkano naman ang inyong processing fee?
  14. Ang pinaka-mababang processing fee namin para sa Seaman/Seaman-Allottee’s Loan ay 5%.
  15. Nagpapaloan ba kayo ng OFW land-based o Personal Loan?
  16. Hindi pa po sa ngayon.
  17. Gaano katagal babayaran o ano ang term ng inyong pautang?
  18. Ang aming Pension Loans ay may maximum term na 30 months ngunit ito ay depende pa rin sa edad ng borrower at amount ng pension. Ang maximum term naman po ng Seaman/Seaman-Allottee’s loan namin ay 8 months ngunit ito ay depende sa nakasaad sa latest POEA contract ninyo.
  19. Ano ang minimum at maximum na pautang?
  20. Kayo po ay makakapag loan sa amin magmula sa P6,000 hanggang P300,000. Ito ay depende sa inyong pension amount at approval ng aming credit committee. At sa aming Seaman/Seaman-Allottee’s loan kayo po ay makakapag loan sa amin magmula sa P20,000 hanggang P350,000. Ito ay depende sa inyong allotment amount at approval ng aming credit committee.
  21. Sino ang pwedeng maging co-borrower sa Seaman/Seaman-Allottee’s Loan?
  22. Ang inyong assigned-Allottee o immediate relatives.
  23. Gaano kabilis ang pag-approve at pag-release ng loan?
  24. Maaari ninyong makuha ang inyong loan sa loob ng isang araw lamang. Mabilis ang aming proseso kapag kumpleto ang requirements.
  25. Paano naman kami magbabayad?
  26. Sa pamamagitan ng ATM allotment o PDC (Post Dated Checks).
    Sa iba pang mga katanungan, maari kayong mag-message o tumawag sa aming mga contact numbers or FB messenger. Maraming salamat.
AUTHORIZED BY
SEC No: 0091196628
COA No: 155